Sunday, January 11, 2015

Kargador Love Affair

I am originally from Nueva Ecija..nag OJT ako sa manila.. sa isang kilalang movement.

Naassign ako sa isang community sa port area.. don ko dinanas lahat ng hirap sa OJT ko..

Don ko din nakita na kahit pala mga maton, nagmamahalan..

Naglalakad ako noon habang naghahanap ng magandang subject sa Photo essay ko.
Napadpad ako sa likod ng compound kung saan ako naka immerse.

Dun ko nakita yung dalawang lalaki.. Suspetsa ko dati, masasamang tao sila..

Dahil twing maglalakad ako, lagi nila akong sinisita..

Sa aaraw araw na nakikita ko sila, lagi kong napapansin na masaya sila at lagi magkasama.. pero nung araw nna yun, iba ang nangyayari..

Sa likod ng isang cargo ng barko, nakita ko ang dalwang nagsaspakan. Syempre nagtago ako.. Dahil inisip ko na baka madamay ako.. malayo sa tao ang area na yun .. malapit na kasi sa Bay..


Parang ramdam ko yung hapdi ng suntok at tadyak nila sa isat isa..dahil sa laki ngb mga katawan nila,,talagang babalibag ang katawan mo..

Pero maya maya..

Umiyak ang isa..nagwala.. di ako makapaniwala sa nakita ko.. dahil biglang nagwala yung mas matangkad na lalaki.. pinagsisipa nya ang cargo kung saan tinulak nya ang kapwa kargador..

Lumapit yung tinulak.. Pinigilan nya ang nagwawalang kasama. .Hinawakan nya ang Balikat, hinila papalapit sa kanya at niyakap.. pero galit talaga yung isa.. iyaw magpapigil.. pero maya maya, magyakapan sila.. Naghalikan..Nag iyakan..

around 6:30 pm na yun.. Hindi ko na hinintay kung saan pa humantong yung kakaibang senaryong dinatnan ko don..

Umuwi ako sa bahay ng foster parent ko.. na merong malaking tanong sa isip.. Gayunpaman, hindi mabigat ng loob ko sa nakita ko..

Sa tingin mo, anong dahilan?

No comments:

Post a Comment

STAR Barkada Chat

STAR Barkada TV